Tuesday, August 25, 2009

Mapagkunwaring Mundo

Ang mundo na aking kinakagalawan ngayon ay hindi mundo kung saan ang tao ay laging totoo, karamihan sa mga ito ay mga taong mapagkunwari lang at hindi totoo sa kanilang mga sarili. Masasabi kong isa rin ako siguro sa mga taong ito, hindi dahil sa hindi ako totoo sa aking sarili kundi naitatago ko lang ng maayos kung ano man ang aking mga tunay na nararamdaman, akala ng ibang tao ay madalas masaya ako at walang pinuproblema, ngunit ang hindi nila alam na sa likod ng aking mga ngiti ay nagtatago ang masakit at madilim na karanasan na ayaw ko ng balikan pa. Dahil hindi lahat ng problema ay madaling ilabas, dahil maaring mag-uwi ito sa hindi magandang usapan at maging sanhi pa ng karagdagang problema, ngunit hindi lahat ng pag sasabi ng problema sa iba ay na uuwi sa isa pang problema dahil maaring makatulong sila at makabawas sa problemang iyong dinadala at hinaharap.

Ang mundo ay sadyang mapagkunwari hindi mo masabi kung ano ang tama at kung ano ang mali, hindi mo malaman kung ano ang pwede at kung ano ang hindi. Mahirap sumabay sa daloy ng oras kung mismong oras ay nagkukunwari din sayo, oras na hindi mo masabi kung mabilis na dumadaloy o dahandahang na uubos. Ang oras ay mahalaga para sa mga taong pinapahalagahan ito ngunit hindi sa mga taong ang gusto lang ay makapang loko ng kapwa, mga taong nagkukunwaring kaibigan at maasahan sa ano mang iyong pangangailangan. Sa mundong mapagkunwari hindi mo masasabi kung sino ang tapat at maasahan, ganun din sa pag-ibig hindi mo masabi kung ang taong iyong minamahal ay minamahal karin, may mga tao naman na nag kukunwaring pag-ibig ang kanilang pinadarama sa kanilang kasintahan. Masakit malaman na ang relasyon na iyong inalagaan at pinahalagahan ay isa lamang malaking pagkukunwari.

Sa mundong mapagkunwari walang tama at wala ring mali, dahil hindi mo masasabi kung itoy totoo o sadyang pagkukunwari lang. Ang kailangan mo lang ay pagtitiwala mo sa iyong sarili, upang masabi mong ikay naging totoo sa iyong sarili, gawin mo ang alam mong tama at wag kang mag paapekto sa ibang tao. Dahil sigurado ka at alam mo sa iyong sarili na totoo ka, hindi mo kailangan ang opinyon ng mga taong hindi mo alam kung totoo ba at may tiwala sa iyong kakayahan. Dahil ang sagot sa mapagkunwaring mundo ay ang maging totoo sa iyong sarili at hindi magpaloko sa mga nagkukunwaring tao.

Sunday, August 23, 2009

Three Stars and A Sun

Three Star and A Sun ang simbolo ng bansa kung saan ako lumaki at nag-kaisip. Bansang nasa proseso palang ng modernisasyon, bansang hindi man sing unlad ng ibang bansa pag dating sa teknolohiya, ito'y bansa naman kung saan maraming likas na yaman ang ating maipag mamalaki. Hindi man ito sing linis tulad ng ibang bansa ang pag-uugali naman dito ay hindi maihahalintulad sa kahit na anong pa mang bansa. Bakit sa ibang bansa ba my "po at opo"?. Kahit na walang snow dito at may panahong sobrang init ay tuloy parin tayo sa ating mga gawaain. Ang ibang Pilipino man ay may isang kahig at isang tuka, wala naman tayong reklamo sa kung anong meron sila na wala tayo, dahil nabuhay tayo ng kapit bisig. Tulad nga ng nasabi sa awitin ni Mr. Francis M. na "Mga kababayan ko nais kong malaman n'yo bilib ako sa kulay ko ako ay PILIPINO." at "Isipin mo na kaya mong abutin ang iyong minimithi." Kaya pinag mamalaki kong akoy pinanganak sa bansang ito, bansang marunong makibagay, bansang hindi kinakatwiran ang sobrang kahirapan upang magpatuloy at lalong paunladin pa ang kanyang sarili.

May pagkakataon mang nasisira ang pangalan ng ating bansa dahil sa pangungurakot ng mga may kapangyarihan sa lipunan. Hindi naman ito natitinag dahil sa karangalang ibinibigay ng mga kapwa nating pinoy, upang lalo pang makilala ang ating pinakamamahal na bansa. Tatlong bituin at isang Araw tatak ng dalisay, tahimik at mapag kumbabang bansa na kumukupkop sa tulad sa mga pilipinong nanganga ilangan ng pagmamahal at kalinga. Bansang hindi mapang husga at hindi mapanira, bansa rin ng mga bayaning hindi matatawaran ang pag sakripisyo upang ito'y maging maunlad at malaya.

Ito ang bansa kung saan ang ako'y pinanganak, bansa kung saan ako lumaki at nagka-muwang, bansang nag turo sakin ng tama at mali, bansa kung saan ako mag kaka-asawa't mag kaka anak, at bansa kung saan ako ililibing at mawawala ng mapayapa. Ang bansa na aking ipag mamalaki at ipag mamayabang sa ibang lugar. Ang bansang may tatlong bituin at isang araw ang bansang PILIPINAS.