Sunday, August 23, 2009

Three Stars and A Sun

Three Star and A Sun ang simbolo ng bansa kung saan ako lumaki at nag-kaisip. Bansang nasa proseso palang ng modernisasyon, bansang hindi man sing unlad ng ibang bansa pag dating sa teknolohiya, ito'y bansa naman kung saan maraming likas na yaman ang ating maipag mamalaki. Hindi man ito sing linis tulad ng ibang bansa ang pag-uugali naman dito ay hindi maihahalintulad sa kahit na anong pa mang bansa. Bakit sa ibang bansa ba my "po at opo"?. Kahit na walang snow dito at may panahong sobrang init ay tuloy parin tayo sa ating mga gawaain. Ang ibang Pilipino man ay may isang kahig at isang tuka, wala naman tayong reklamo sa kung anong meron sila na wala tayo, dahil nabuhay tayo ng kapit bisig. Tulad nga ng nasabi sa awitin ni Mr. Francis M. na "Mga kababayan ko nais kong malaman n'yo bilib ako sa kulay ko ako ay PILIPINO." at "Isipin mo na kaya mong abutin ang iyong minimithi." Kaya pinag mamalaki kong akoy pinanganak sa bansang ito, bansang marunong makibagay, bansang hindi kinakatwiran ang sobrang kahirapan upang magpatuloy at lalong paunladin pa ang kanyang sarili.

May pagkakataon mang nasisira ang pangalan ng ating bansa dahil sa pangungurakot ng mga may kapangyarihan sa lipunan. Hindi naman ito natitinag dahil sa karangalang ibinibigay ng mga kapwa nating pinoy, upang lalo pang makilala ang ating pinakamamahal na bansa. Tatlong bituin at isang Araw tatak ng dalisay, tahimik at mapag kumbabang bansa na kumukupkop sa tulad sa mga pilipinong nanganga ilangan ng pagmamahal at kalinga. Bansang hindi mapang husga at hindi mapanira, bansa rin ng mga bayaning hindi matatawaran ang pag sakripisyo upang ito'y maging maunlad at malaya.

Ito ang bansa kung saan ang ako'y pinanganak, bansa kung saan ako lumaki at nagka-muwang, bansang nag turo sakin ng tama at mali, bansa kung saan ako mag kaka-asawa't mag kaka anak, at bansa kung saan ako ililibing at mawawala ng mapayapa. Ang bansa na aking ipag mamalaki at ipag mamayabang sa ibang lugar. Ang bansang may tatlong bituin at isang araw ang bansang PILIPINAS.

No comments: