Ang blog ko po ay tungkol sa bagay na binibigyan ng effort, pero hindi naman nabibigyan ng importansya ng ibang tao. Meron kasi akong mga kaibigan na madalas ay ganito ang nagiging problema, mga prolema na kahit ano pang gawing pagsisikap para matugunan ang kagustuhan ng kanilang mga mahal sa buhay ay parang hindi parin sapat, dahil sa labis labis nilang hangad sa kanilang pang-sariling kagustuhan. Isa na rito ay ang pag-papakapagod nila upang makatulong sa abot ng kanilang makakaya, ngunit parang hindi parin sapat dahil sa hindi maipaliwanag na
kagustuhan ng kanilang tinutulungan. Ang gaitong mga bagay ay madalas ding nangyayari sa akin ngunit pilit kong iniintindi ang sitwasyon, dahil iniisip ko na balang araw ay maa-appreciate din nila ang lahat ng aking mga ginagawa.
Kadalasan mahirap ipaliwag ang nais iparating ng mga taong hindi mo malaman kung ano talaga ang gustong mangyari sa kanilang buhay. Akala mo ay sapat na ang mga ginagawa mo para sa kinila ngunit my kulang parin, hindi mo natuloy kung saan kapa lulugar sa mundong kanilang ginagalawan. Mahirap mag sakripisyo kung alam mong hindi naman nila ito natatangap, dahil sa mas may gusto pa silang makita sayo kahit na ginawa mo na ang lahat ng makakaya mo. It's good to say na mas gusto nilang mas may marating kapa kaya sila nag e-expect pa ng mas mataas sayo. Ngunit hindi tayo gaganahang mag sumikap dahil sa ang akala natin ay wala silang pakialam sa ano mang bagay na ating pinag hihirapan. Kung maa-appreciate lang sana nila ang mga bagay na ating pinag hihirapan siguro mas magiging mas epektibo ang lahat ng ating ginagawa dahil alam nating merong nakakaunawa sa mga bagay na ating pinaghihirapan ng sobra. Isa lang naman ang hiling nang marami sa atin, yun ay ang pansinin naman sana ng taong gusto nating pag paratingan ng ating pag-sisikap ang lahat ng effort na ating ginagawa para sa kanila.
Ginawa ko ang blog na ito dahil gusto kong mailabas ang nararamdaman ko. Sa mga taong hindi kayang i-appreciate ang mga bagay na binibigyan mo ng lubos na importansya sana balang araw ay maintindihan nyo na ang lahat ng pagsisikap namin ay paralang lahat sa inyo. Nais ko ring makatulong sa ibang tao na my parehong karanasan tulad ng sa mga katulad ko. Kung meron man kayong ganitong karanasan maari n'yo itong i-comment saakin ng kahit papaano ay makapag bigay ako ng payo upang makabawas sa inyong sama ng loob. Hindi man ako ganun kahusay mag payo makakatulong naman ako upang mabawasan ang sama ng loob nyo.
Maraming salamat po sa pag basa ng munti kong blog. Hindi man ito ganun ka-husay tulad
ng sa ibang blog sana ay ma-appreciate nyo ito. Kung meron po kayong comment about my
blog please kindly tell me, because i will really appreciate it.
THANK YOU!!
and
GOD BLESS!!
No comments:
Post a Comment