Ang kababata ay isang uri ng pagkakaibigan na may malalim na kina-ugatan. Nag mula sa isang malalim na pag-unawa upang mag kaintindihan, isang matibay na pagsasama na pinatatag pa ng maigting na pangunwa ng bawat isa. Hindi madali ang makakita ng isang tunay at tapat na kaibigan maraming kalkulasyon at ekspekulasyon para umabot sa puntong masabi mo na karapatdapat s'ya upang iyong tawagin na kaibigan. May ibang taong hindi parin naniniwala sa pagkakaibigan meron ding mga taong hindi gusto ang pagkakaibigan dahil sa negatibo at baluktot nilang kadahilanan. Sapagkat inaakala nilang ang mga taong nakapalibot sa kanila ay hindi makapag bibigay sa kanila ng sapat na kaligayahan. Ang ganitong uri ng mga tao ay ang mga taong ang tanging kinakaibigan ay ang kanilang mga salapi't kayamanan..
Ngunit hindi lahat ng tao ay may ganitong uri ng pag-iisip, mas marami paring mga tao na ang mas pinapahalagahan at gingawang kayaman ay ang kanilang pag kakaibigan. Ang mga taong may malawak na pag-iisip ay mas pinapahalagahan ang kanilang mga kaibigan kasama narin ang kanilang pamilya kesa sa kanilang mga matiryal na bagay. Masasabi kong kasama ako sa mga taong mas pinapahalagahan ang aking mga kababata at pamilya kesa sa kahit ano pang kayaman meron dito sa mundong aking kinagisnan, masasabi kong mas gugustuhin ko pang maghirap pero mayaman sa kaibigan kesa sa mayaman ngunit wala namang kaibigan. Dahil ang mabuhay sa mundong walang kaibigan ay katulad ng isang mahabang ilog na walang patutunguhan at isang dagat na malawak ngunit wala namang buhay. Maari mo ring masabing ang taong walang kaibigan ay parang isang kwebang walang liwanag at punong puno ng kalungkutan..
Kababata mong maituturing ang taong naging kahati na at naging daan upang iyong matagpuan ang tunay mong sarili, dahil ang kababata ay maari mo naring masabing kakambal na ng iyong dugo't laman, dahil sa haba at tagal n'yo ng pagsasama. Kung ako naman ang tatanungin para saakin ang kababata ay maihahalintulad sa isang hangin, sapagkat hindi man ito nakikita ito namay nararamdaman, nangangalit man ito't mapanira minsan sa lakas, nag bibigay naman ito ng bagong dahilan upang mag patuloy sa buhay, dahil ang samahang tunay ay matibay at dalisay.
Ang tunay na kababata ay hindi nakikita at hindi nahahawakan, ito'y iyong mararamdaman at dadalhin hangang sa iyong libingan. Dahil ang pagkakaibigan ay isang malalim na samahan na masasabi mo ring kayamanan dahil makikita ito sa kaibuturan ng iyong puso't isipan.
Sunday, August 23, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment